Friday, 8 March 2013

Pinoy sa UAE


Para sa mga babasa medyo offended ang ibang topic so baka tamaan ka, warning lang  na dapat open ka sa mababasa mo. Opinion ko to at observation ko. This is my experience as well so any good and bad comments are welcome.
Nasa UAE na ako since 2007, minsan lang ako nakauwi ng Pinas  4 years ago, sa tagal ko d2 sa abroad madami akong natutunan, madami akong nasaksihan, at madami din akong good and bad na karanasan. Sa katulad kong OFW, isa lang ang mahirap gawin… ang hindi ma homesick!
In my part hindi masyado kase sanay akong mag isa. Sanay din akong makisalamuha sa kahit sinong taong masalubong ko, Siguro nga talent na matatawag yun kase kahit asshole ang ugali eh kaya kong pakisamahan, hindi dahil sa plastic akong nilalang kundi professional lang kung makisama.
Example lang ng hirap ng pinoy dito sa abroad. Sentimiento ng katulad ko dito sa UAE para sa common na manggagawa ay gaya ng maliit na pasahod, nagsasama ang walong tao sa isang kwarto, with extrang surot pa! duty ng 6am so dapat at least 4am gising na para mag gayak, maligo kase madami kayo at isa lang ang banyo, mabilis na breakfast kase wala ng time kumain sa work, mag aabang ng service coaster at kung mamiss mo ang bus lagot ka sa amo mong Pana (Indiano).  Tapus ng duty ng alas 2pm. Indorse ng kung ano ano so matatapus ng mga 230pm, mag aantay ka ulit ng service maswerte na kung half an hour lang andyan na. travel time inaabot ng halos isang oras at parusa pa sa loob ng coaster kase pinag halo halong amoy ng ibang lahi na hindi mo maintindihan, dating mo sa accommodation ng alas 4pm, papahinga ka habang naglalaba ng uniform tapus plantsa habang nagluluto ng dinner kung minsan sama na ang kinabukasang breakfast.
Pagdating ng sahod dadaan lng sa palad mo yung pera kase dederetso kana sa UAE exchange or Al Ansari or ano mang Exchange para makapagpadala sa Pilipinas. Ang mga kamag anak sa Pinas malimit nagpaparamdam pag mga 3rd week of the month kase sahod katapusan, at pag naipadala mo na ang pera minsan nakakalimot ng magtxt na nakuha na ang pera, mag tetxt ulit pag 3rd week na ng buwan para remind ka na kelangan ng ganitong amount para sa kung ano anong gastusin. Ikaw na kinapus na sa budget kase d mo sila matiis…. Ang haba na ng listahan ng utang mo sa grocery ng Pana kase d na kinaya ng budget mo. Para dun sa mga babaeng OFW dito (pasintabi lang po sa mga tatamaan) eh ginagamit ang mga boyfriends na ibang lahi, para may extra budget sila ( di namn lahat). Sama mo na mga bakla na mayaman sa sponsors.
Lapit na vacation mo excited kana. Di kana makatulog kase pinipicture out mo na kung ano mangyayari  pag uwi mo ng Pilipinas. Syempre tradisyun na pag magbabakasyun ang pinoy dito eh kelangan may chocolate kang maiambag sa kasama mo. Sasalubong sayo mahal mo sa buhay,  pag uwi mo sa inyo sikat ka. Dami mong inaanak kahit nasa abroad ka, dumami ung kamag anak mo pati. Eto pa malupit uutangan ka agad agad, idadaan sa kwento habang nag iinuman kayo, ung ibang medyo nahihiya eh ibubulong na lamang sayo sa isang tabi. Hindi ka pedeng humindi kung meron ka kase mahihiya ka, at sasama ang loob nila sayo pang di mo napautang. Masakit pa dyan pag napahiram mo nakakalimot magbayad at gusto pang umulit (pasintabi lang sa mga maooffend )
Kahit dirhams ang kinikita dito sa UAE, dirhams din ang pinang gagastos dito, hindi madaling kumita at rumakit lalo na kung strikto ang kompanyang pinapasukan mo. Ang mga Pinoy kahit san magpunta talagang maparaan,  biggest challenge dito ay ang alak, pede kang mapauwi ng dahil nahuli kang may dalang alak sa accommodation, despite of no alcohol policy nakaklusot pa din. Andyan na ung nilalagay sa bote ng tubig or juice ang alak, hinahalo sa damit, itinatali sa bintana at hihilahin hangang kung anong floor ka man. Hindi naman malungkot mag abroad, saya nga eh, para dun sa
mga single eh sobrang maeenjoy sa abroad…lalo na dun sa mga may asawa! (pasintabi ulit sa mga tatamaan) dito lahat single kahit alam na may asawa ka, kahit alam na sampo na anak mo may mga pumapatol pa din talaga. Nakakalungkot isipin na marami rami na din talgang winasak na tahanan ang pag iibang bansa. Ang matindi pa dyan ung mga pumapatol sa mga may asawa dito ay may mga asawa din dyan sa Pinas ( uulitin ko hindi naman lahat).
Nasa ibang bansa tayo kase kelangan nating suportahan ang ating pamilya, at ang ating sarili, hindi madaling malayo sa mga mahal mo sa buhay sa Pilipinas, kung mahanap man natin ang kalinga at pagmamahal sa hindi natin asawa dapat isipin din natin na may nasasaktang ibang tao. Kung masaya ka ngayun dapat hindi magiging lungkot ang kapalit nyan bukas kase at the end of the day babalik ka pa din sa tutuo mong pamilya kawawa nman
Di ko to sinulat kase gusto ko lang, eto talaga ang nangyayari ditto sa UAE, or baka sa ibang bansa na din na may OFW, hindi ko genegeniralized ang pangyayari kase madami din naming succesfull stories ng mga Pinoy abroad, itoy batay lamang sa aking mga nakilala at naging karanasan.

3 comments:

  1. very true albz..

    ReplyDelete
  2. I really appreciate your professional approach. These are pieces of very useful information that will be of great use for me in future.

    ReplyDelete